top of page
Writer's pictureJeff Chavez

Ang Ating Araw-araw na Pangangailangan sa Ebanghelyo


“We need to hear the gospel every day of our lives.”


Ang Diyos ay banal, tayo ay makasalanan. Lumabag tayo sa Kanyang kautusan sa isip, puso, salita, at gawa, at nahaharap sa Kanyang poot at kaparusahan. Ang hinihingi Niya ay ganap na kabayaran sa ating pagkakautang at ganap na pagsunod sa Kanyang kautusan, na hindi natin makakayang ibigay. Sa Kanyang pag-ibig sa makasalanang tulad natin, ipinadala Niya ang Kanyang nag-iisang Anak na si Hesu-Kristo upang mamuhay ng matuwid at mag-alay ng Kanyang buhay para sa ikatutubos ng Kanyang mga tao. Kaya’t kung sino man ang magtiwala sa Kanya ay maliligtas mula sa poot na darating. Sila’y ituturing na matuwid sa harapan ng Diyos dahil sa dugo’t katuwiran ni Hesu-Kristo at hindi na hahatulan pa dahil sa kanilang kasalanan. Sapat na ang ginawa ni Kristo at napatunayan ito ng Siya ay muling nabuhay bilang nananagumpay na Panginoon at Diyos!

Tayong lahat ay gaya ng mga tupang naligaw; bawat isa sa atin ay lumihis sa kanyang sariling daan; at ipinasan sa kanya ng PANGINOON ang lahat nating kasamaan. Isaiah 53:6 ABAB

Ang Kristyano ay hindi lamang iniligtas mula sa kaparusahan ng kasalanan kundi inililigtas maging sa kapangyarihan ng nito. Kung ang Isaiah 53:6 ay tunay sa atin araw-araw na lahat tayo ay nagkakasala, lumilihis sa katotohanan, at naliligaw, kaya kaylangan natin ang Ebanghelyo. Walang araw na hindi tayo lumilihis sa Daan ng Panginoon.

Ako’y ipinakong kasama ni Cristo at hindi na ako ang nabubuhay, kundi si Cristo ang nabubuhay sa akin, at ang buhay na ikinabubuhay ko ngayon sa laman ay ikinabubuhay ko sa pamamagitan ng pananampalataya sa Anak ng Diyos na sa akin ay nagmahal, at nagbigay ng kanyang sarili dahil sa akin. Galatians 2:20 ABAB

Ang konteksto nito ay “Justification” o pag-aaring ganap kay Kristo. Gayunpaman, sinabi ni Pablo ang kasalukuyang realidad ng “justification,” na siya’y nabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya sa Anak ng Diyos na namatay para sa kanya. Kaylangan natin marinig ang mensahe ng pagpapawalang-sala (itinuring na matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya sa dugo’t katuwiran ni Hesu-Kristo) araw-araw. Ang pagpapawalang-sala ay hindi lamang nakalipas na karanasan kundi kasalukuyang realidad sa buhay ng mga mananampalataya.


Justification is not only a past experience but also a present reality.


Ang batayan kung bakit tinatanggap ka ng Diyos araw-araw ay hindi ang iyong “performance” kundi ang Ebanghelyo ni Hesu-Kristo Kristo lamang.


This is gospel-driven discipleship, not performance-driven discipleship.

“We must preach the gospel to our selves every day. It means we must keep going back to the Scripture. “ J.R. Miller

Ang ating pag-asa ay nakasandig lamang sa dugo’t katuwiran ni Hesu-Kristo. Hindi sa ating ginagawa bilang Kristyano sa harapan ng Diyos. Nawa ‘wag tayong mahulog dito.


Dagdag pa rito, ang tunay na kaligtasan ay kaligtasan mula sa pagkaalipin ng kasalanan (Rom 6:1-2). Ginagawa mo bang lisensya ang Ebanghelyo para magkasala? Kung ganun man, hindi mo nauunawaan ang Ebanghelyo ni Kristo. Madalas, tayo’y ay bumabagsak o nahuhulog sa kasalanan dahil sa ating kakulangan na pagbulayan ang Ebanghelyo ng ating kaligtasan at kabanalan.


Nawa paigtingin pa natin ang ating araw-araw na pagbubulay-bulay sa Ebanghelyo ng ating Panginoong Hesu-Kristo na naglilitas.


 

Posted with permission from Bro Jeff Chavez, Deacon, Herald of Grace Covenant Bible Church - HGCBC Cavite and owner/writer of the blog TheologyCheck. Original blog post here.

78 views

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page