Si Yahweh ang aking batong tanggulan, ang aking Tagapagligtas, Diyos at kanlungan, tagapag-ingat ko at aking sanggalang.
Mga Awit 18:2
Ang Diyos ang tanging bato kung saan tayo makakapagpapahingang ligtas sa oras ng panganib. Ang pagtitiwala sa kanya ay nagdudulot ng kapayapaan sa bawat sitwasyon. Ibinukod ng Diyos ang kanyang biyaya para sa layuning ito. Ito ay ang biyaya ng bagong tipan, ang biyaya ng lahat ng mga biyaya, na umaaliw sa kaluluwa kapag ito ay nababagabag.
Ang parehong pag-ibig na nagdudulot sa iyo ng buhay na walang hanggan ay magbibigay din sa iyo ng pang-araw-araw na tinapay. Maaari kang magtiwala sa Diyos para sa probisyon, para sa proteksyon, at para sa anumang nais mo. Kapag nasumpungan mo ang iyong sarili sa isang kaguluhang estado, palaging mayroong isang bagay sa Diyos para sa iyong kaginhawaan. Kung tayo ay nasa problema, may nararapat na kaginhawaan na ibinibigay. May sakit ba tayo? Siya ang ating kalusugan. Mahina ba tayo? Siya ang ating lakas. Patay na ba tayo? Siya ang ating buhay.
Hindi posible na magkaroon ng anumang estado na sa sobrang miserable, ay wala ng magagawa ang Diyos upang aliwin tayo. Ang Diyos ay tinatawag sa Kasulatan na isang bato, isang kastilyo, at isang kalasag. Siya ay isang batong pagtatayuan, isang kastilyo para sa kaligtasan, at isang kalasag upang ipagtanggol tayo sa lahat ng oras ng panganib.
Kung ang Diyos ay umaaliw sa atin sa pamamagitan ng mga ito, gaano pa kaya sa kanyang sarili? Isinasamo ko sa iyo na isaalang-alang ang Diyos bilang iyong 'napakadakilang gantimpala' (Gen. 15:1). Ang Diyos ay tinapay na magpapalakas sa atin, at ang Espiritu ng lahat ng kaaliwan. Maaari bang mapanatiling ligtas ng kastilyo o kalasag ang isang tao sa oras ng panganib? Gaano pa kaya ang Diyos! Isaalang-alang kung gaano kaligtas si Noe noong lumulutang ang arka, at bakit? Dahil isinara ng Diyos ang pinto sa likod niya at pinananatili siya doon. Kita n'yo, mayroong isang bagay sa Diyos para sa bawat karamdaman; kaya magtiwala ka sa Diyos. Ito ang paraan para mapatahimik ang ating mga kaluluwa. Ang ating kaluluwa ay makakatagpo ng kagalakan, at pag-aalaga, at pagtitiwala pagdating sa kanya at gagawing sandigan ang Diyos. Ang compass ay nagpapahinga pagturo nito sa gawing hilaga, at ang arka ay nagpapahinga pagdating sa Bundok Ararat, kaya ang kaluluwa ay namamahinga nang ligtas pagdating sa Diyos, at hanggang sa oras na iyon, ito ay gumagalaw gaya ng arka sa ibabaw ng tubig. RICHARD SIBBES, Works
コメント