Purihin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo, ang Ama ng mga kahabagan at Diyos ng lahat ng kaaliwan. 2 Corinto 1:3
Sa malungkot at masakit na mga pangyayari na dumarating sa iyo, tingnan mo pa rin ang Diyos bilang may-akda ng mga ito. Isaalang-alang:
(1.) Ang Diyos ay may kapangyarihan at nakahihigit sa iyo ng walang katapusan. Sa kanyang kasiyahan, ikaw, at lahat ng mayroon ka ay nabuo, kaya’t natural na tayo ay dapat na magpasakop sa kanyang kalooban. Ang kanyang soberanya ay maluwalhating ipinakita sa kanyang walang hanggang mga utos at kanyang temporal na mga paglalaan. Kung kanyang naisin ay maaaring inilagay niya tayo bilang isang uod, o bilang ang pinakakaawa-awa sa mga tao. Maaaring tayo ay mawala nang walang hanggan at miserable magpakailanman. Hindi ba ito magpapatahimik sa atin sa ilalim ng karaniwang mga paghihirap ng buhay na ito?
(2.) Ilagay ang biyaya at kabutihan ng Diyos sa harap mo sa iyong paghihirap. Tingnan mo siyang dumaraan, ipinapahayag ang kanyang Pangalan, 'ang Panginoon, mahabagin at mapagbiyaya'. Mayroong dalawang awa na hindi natatakpan ng pinakamadilim na paghihirap na dumarating sa mga banal sa kanilang temporal na mga alalahanin, ibig sabihin—ang awang nag-iingat sayo sa mundong ito, at ang awang magliligtas sayo sa darating. Ito ay hindi kasing sama ng maari nating isipin, o bilang nararapat sa atin, at ito ay magiging mas mabuti paglipas ng panahon. May kinuha ba siya? Maaari niyang kunin ang lahat. Nahihirapan ba tayo? Isang awa parin na hindi tayo nawasak. O! Kung isasaalang-alang natin ang temporal at espirituwal na mga awa, hahangaan natin ang awa sa halip na magreklamo ng kalubhaan.
(3.) Masdan ang karunungan ng Diyos sa lahat ng iyong pagdurusa: ang uri ng iyong mga pagdurusa—ito, at hindi iba; ang panahon—ngayon at hindi sa ibang panahon; ang antas sa panukalang ito lamang, at hindi sa mas mataas; ang mga suporta—hindi ka naiwan na walang magawa; ang kinalabasan—para sa ikabubuti mo, hindi ikapahamak. Nakikita natin ang malaking dahilan para manahimik at masiyahan sa ilalim ng kamay ng Diyos.
(4.) Sa ilalim ng pinakamalungkot na mga pagkakataon, ilagay ang katapatan ng Panginoon sa harap mo, at tingnan ang kanyang lubos na kasapatan. Tumingin sa Kanya bilang sapat, kahit ano pa ang nawala. Ang kanyang sisidlan ng tubig ay puno tulad ng dati! Tingnan mo siya bilang bato ng mga panahon, kailanman hindi nagbabago. Ang Diyos ay nanatiling kung ano siya, at kung nasaan siya!
JOHN FLAVEL, Works, IV:426-428
Comments