top of page
Writer's pictureRP Team

Ang Kasiguruhan Ng Kaligtasan



Isa sa pinakakilalang pagtuturo ng ating Panginoong Hesus ay ang tinatawag na Sermon on the Mount. Madalas natin nakikita ang sermon na ito bilang isang positibong mensahe: “Blessed are the poor in spirit… Blessed are those who mourn… Blessed are the meek.. at marami pang "Blessed". Pero madalas nating nakakaligtaan ang pinaka climax ng mensaheng ito.


Sa Mateo 7:21-23:

“Hindi lahat ng tumatawag sa akin ng ‘Panginoon, Panginoon’ ay papasok sa kaharian ng langit, kundi yaon lamang nagsasagawa ng kagustuhan ng aking Amang nasa langit. Marami ang magsasabi sa akin sa araw na iyon, ‘Panginoon, Panginoon, hindi ba't sa iyong pangalan ay nagpahayag kami ng propesiya, nakapagpalayas ng mga demonyo, at sa iyong pangalan din ay gumawa kami ng maraming himala?’ At sasabihin ko naman sa kanila, ‘Kailanma'y hindi ko kayo nakikilala. Lumayo kayo sa akin, kayong mga gumagawa ng kasamaan!’

Dito ay pinakita ng Panginoong Hesus ang isang posibleng pangyayari sa huling panahon. May mga tao na lalapit sa kanya at tatawagin siyang Panginoon. Sasabihin pa nila na marami silang ginawa sa pangalan ng Panginoong Hesus. Ngunit sasabihin ni Hesus sa kanila: lumayo kayo sa akin, kailanma’y hindi ko kayo nakilala.


What is particularly striking is that Jesus repeated the way these people called Him. Sabi niya sa una hindi lahat ng tatawag sa akin ng Panginoon, Panginoon ay papasok sa kaharian ng langit. Sa pangalawa ay sinabi ng mga tao “Panginoon, panginoon hindi ba’t sa iyong pangalan ay nagpahayag kami ng propesiya?”


Kung mapapansin natin, ang tawag ng mga kay taong ito kay Hesus ay “panginoon, panginoon.” Sa buong bibliya ay may labinlamang pagkakataon kung saan inulit ng ganito ang pangalan ng tao. Halimbawa:

  • Nang isasakripisyo ni Abraham ang kanyang anak na si Isaac sa mount moriah ay pinigilan siya ng anghel ng Panginoon: ““Abraham, Abraham! … Do not lay your hand on the boy” (Gen. 22:11–12).

  • Si Jacob ay natakot na pumasok sa Egipto ngunit kinausap siya ng Diyos “Jacob, Jacob” Gen 46:2

  • Si Moses ay tinawag ng Panginoon sa pamamagitan ng burning bush “Moses, Moses!” Ex 3:4

  • Ang iba pang halimbawa ay ang pagtawag ng Panginoon kay Samuel, kay Marta, kay Pedro at kay Saul.

Ang ganitong klaseng paguulit ng pangalan ay may malalim na ibig sabihin sa lengwahe ng mga Hudyo. Ang paguulit ng pangalan ng mga tao ay nagpapakita ng isang malalim at intimate personal relationship doon sa kanyang kausap. Kaya dito sa sermon on the mount kung saan sinasabi ng Panginoong Hesus na itong mga tao na tumatawag sa kaniya ng “Panginoon, panginoon” ay naniniwala na mayroon silang isang malalim at intimate na relasyon sa Panginong Hesus. Ngunit sa huli ay sinabihan pa rin sila ni Hesus, lumayo kayo sa akin.


Sinasabi ni Hesus na maraming mga tao ang nagsasabi na sila ay mga Kristiyano, na gagamitin ang pangalan ni Kristo, na tatawagin siyang Panginoon, nungit sa katotohnan ay wala sa kaharian ng Diyos. Higit pa dito, ang mga taong ito ay malamang na hindi lang mga occasional attender, kundi mga members na aktibo sa buhay ng iglesia at naglilingkod sa minsteryo. Pero sa kabila nito ay sinabi ni Hesus ni hindi niya sila kilala.


We bring this up so we can ask ourself this question: Paano ko malalaman na hindi ako kasama sa grupo ng mga tao na to na sa huling panahon ay umaasang makakapasok sa langit at tinatawag si Hesus na Panginoon ngunit palalayasin lamang. Paano natin masisiguro na tayo ay ligtas nga?


Part 1. The struggle for assurance.


In another parable, Jesus addressed who is and is not genuinely saved with the parable of the Sower.


Dito ay nagkwento ang Panginoon na may isang taong nagtanim ng mga binhi. Ang ibang binhi ay nalaglag sa daanan, kung saan ang mga ibon ay dumating at kinain ito. May mga binhi na nalaglag sa mabatong lugar, kung saan manipis ang lupa. Mabilis silang umusbong ngunit dahil sa mababaw ang lupa, hindi sila makapag ugat at nang natuyo at natamatay sila sa init ng araw. May mga binhi na nalaglag sa mga matitinik na damo. Ang mga damong ito ay lumago at sinakal ang mga binhi. May mga nalaglag naman na binhi sa matabang lupa kung saan sila ay lumago at namunga. Ang iba ay tig-iisang daan, ang iba ay animnapu, ang iba ay tatlumpu.


Mahalagang malaman natin ang konteksto kung kailan ito kwinento ni Hesus. Bago niya ikwento ang talinhaga nag manghahasik ng binhi ay may nagsabi kay Hesus an dumating ang kanyang ina at mga kapatid upang makipagusap sa kanya. Ngunit sinabi ni Hesus, “Sino ang aking ina at mga kapatid? Itinuro ni Jesus ang kanyang mga alagad at sinabi niya, “Narito ang aking ina at aking mga kapatid. Sapagkat sinumang gumagawa ng kalooban ng aking Ama sa langit, siya ang aking kapatid na lalaki, kapatid na babae, at ina.”


Mabuti rin nating matandaan na walang sinuman ang pumilit kay Hudas na sumama kay Hesus at maging disipulo niya. Si Hudas ang pumiling sumunod kay Hesus, nagdesisyon siya na makinig kay Hesus at sundan siya ng tatlong taon sa ministeryo. Sa kabila ng ito ay sinabi ng kasulatan na siya ay sa Diablo. Hindi ito dahil si Hudas ay totoong na-born again at pagkatapos ay nalaglag muli sa kasalanan, ito ay dahil sa hindi siya talaga nabago in the first place, kahit na siya ay malapit kay Hesus.


Later in the book of Matthew, nagbigay si Hesus ng explanation tungkol sa talinhaga ng manghahasik. Tinukoy niya ang binhi bilang salita ng panginoon. Ang unang grupo ay sinimbolo ng mga binhi na nalaglag sa daanan. Nung mga kapanahunan na yun ang mga magsasaka ay naghahasik muna, pagkatapos ay aararuhin ang lupa upang mabaon ang mga binhi. Ang anumang binhi na nalaglag sa kalsada ay hindi maitatanim at talagang magiging pagkain ng mga ibon. Ang mga ibon na ito ay sumimbolo kay Satanas. Maraming mga tao sa sanlibutan ang katulad nito. Naririnig nila ang ebanghelyo ngunit wala itong epekto sa kanila.


Ang pangalawang grupo naman ay ang mga binhi na bumagsak sa mabatong lugar. Ito ang mga taong nakapakinig ng salita at tinanggap ito ng may kagalakan. Gayunman ay hindi siya nagkaroon ng ugat, at hindi gaanong nagtatagal. Kapag may dumating na kagipitan o pag-uusig dahil sa salita, madali siyang natitisod. Ito ang mga binhi na hindi nagkaroon ng ugat, at paglabas ng araw, sila ay natuyot at namatay. Dahil dito hindi sila kailanman nagkaroon ng bunga. Sinabi ni Hesus na ito ang mga tao na lumayo dahil sa mga pagsubok na darating sa mga mananampalataya.


Sa ikatlong klase ng binhi, ito ang sinabi ni Hesus: ito ang taong nakikinig ng salita ngunit ang mga alalahanin sa sanlibutan at ang panlilinlang ng mga kayamanan ay sumasakal sa salita, anupa't hindi ito nakapamumunga. Ito naman ang grupo ng mga tao na napakinggan at tinanggap ang salita, ngunit sila ay natabunan ng mga pita ng sanlibutan. Katulad ng mga tinik ang mga ito ay sumakal sa salita at sila din ay hindi nakapamunga.


Lastly, may mga taong tinatawag na mabuting lupa, siya ang taong nakikinig ng salita at nauunawaan ito, kaya't siya nga ang namumunga.


Malinaw sa talinhagang ito na maraming mga taong makikinig, tatanggap at magrerespond sa mensahe ng ebanghelyo ngunit hindi magpapatuloy sa pananampalataya. Hindi lahat ng nakakapakinig ng salita ng Diyos ay ligtas at ganun din maski sa maraming mga taong tumanggap at tumugon sa simula. Ang totoong ligtas ay yung mga tinatawag na “Doers” of the word, o yung mga sumunod sa salita ng Diyos. Kapag ang salita ay naitanim, nag ugat at lumago sa buhay ng tao, ito ay palaging nagkakaroon ng bunga.


Kapag pinagusapan ang pagkakaroon ng bunga, dapat tayong mag-ingat upang hindi tayo magkamali ng paniniwala na tayo ay naliligtas sa pamamagitan ng mga gawa. We are justified by faith alone. Ito ang sola fide. Isa ito sa mga tinuro ng mga naunang reformers katulad ni Martin Luther na nagsabing we are justified by faith alone, but not by a faith that is alone.


Ang Roma Katoliko ay naniniwala na kailangan ng pananampalataya para sa kaligtasan, ngunit kailangan din ang gawa. Ito ay iba sa ating paniniwala na ang pananampalataya ay nagbubunga ng kaligtasan at ng gawa


Sa mga reformers, ang gawa ay bunga o epekto ng ating pamumuhay sa biyaya ng Panginoon. Ang tanging gawa na makakapagligtas sa makasalanan ay ang gawa lamang ng ating Panginoong Hesukristo. Kaya pag sinabi nating we are justified by faith alone, o napawalang sala tayo sa pamamagitan lang ng pananampalataya, ang ibig sabihin nito ay napawalang sala tayo sa pamamagitan lamang ni Kristo at ng kanyang gawa. Ang sarili nating gawa ay walang naidadagdag para sa ating kaligtasan.


Maaaring sabihin ng iba na hindi na kailangan ang mabubuting gawa sapagkat hindi naman ito ang nakakapagligtas sa atin. Pero kailangan natin tandaan na ang pananampalataya na nagpapawalang sala, katulad ng sabi ni Santiago at ni Luther ay hindi isang pananampalatayang patay, kundi buhay. Ito ay fides viva, a living faith, a vital faith. Ang tunay na pananampalataya na nagdurugtong sa atin kay Kristo ay isang pananampalatayang may bungang mabubuting gawa. Kung wala ang bunga, ibig sabihin ay wala ang pananampalataya. At kung wala ang pananampalataya, ibig sabihin ay wala rin ang pagpapawalang sala at ang kaligtasan.


Ang pananampalataya ang nagdurugtong satin kay kristo, at kung tunay ito, hindi tayo mapapasama doon sa mga tatawag ng panginoon panginoon ngunit papalayasin lang, sapagkat tayo ay magkakaroon ng mga bunga na magpapakita na ang ating pananampalataya ay tunay at buhay.


Ang bunga ng bawat kristyano ay iba’t iba, sabi ni Jesus na may tigisandaan, may tig anim napu at tig tatlongpu. May mga tunay na Kristyano na hindi kasing bunga ng ibang tunay na Kristyano pero ang mahalaga ay magkaroon ng bunga ang bawat mananampalataya. Kung wala ang bunga, hindi siya mananampalataya. Kaya sinabi ni Jesus “You will recognize them by their fruits.” Not by their profession, not by their decision, but by their fruits.


Nakita natin na ang matibay na batayan kung ang isang tao ay nakay Kristo nga o hindi ay ang pagkakaroon ng bunga. Mahalaga ang deklarasyon ng ating pananampalataya, o ang tinatawag na pagdedesisyon o pagtanggap. Ngunit marami ang nagdeklara, nagdesisyon o tumanggap ngunit walang bunga.


Kailangan natin maunawaan na ang desisyon kailanman ay hindi nakapagliligtas. Ang tanging nakapagliligtas at nakapagbabago ng buhay ng tao ay ang Banal na Espiritu ng Diyos. Mahalaga man ang deklarasyon ng pananampalataya o ang pagtanggap, hindi ito sapat na batayan upang masabing ligtas nga ang isang tao.


Kapag ang pinanghawakan lang natin ay ang ating desisyon o pagtanggap para sa kasiguruhan ng ating kaligtasan ay maaari tayong magkamali dito. Merong tinatawag na false assurance at upang lalo natin maintindihan kung papano magkaroon ng assurance of salvation o kasiguruhan ng kaligtasan, titignan natin ngayon ang ilang mga kapamaraanan kung bakit nagkakaroon ang iba ng false assurance. Ito iyong mga taong tatawag ng Panginoon, panginoon ngunit papalayasin ng ating panginoong hesukristo.


Part 2. False assurance


May dalawang dahilan na maaaring makapagdulot ng false assurance sa isang tao. Una ay ang maling pagkakaunawa sa mga requirements para sa kaligtasan. Pangalawa, ay maaring tama ang pagkaunawa sa requirements ng salvation, pero mali ang pagkaunawa kung naabot ng isang tao ang requirements na ito.


May tatlong malaking pagkakamali sa mag paniniwala tungkol sa requirements ng salvation. Ang una ay tinatawag na Universalism. Ang doktrinang ito ay nagtuturo na ang lahat ng tao ay maliligtas at mapupunta sa langit. Sa paniniwalang ito, ang requirement lang para makapuntang langit ay ang mamatay. Ito ay isang paniniwala na nangingibabaw sa maraming aspekto ng kultura ng tao. Maraming mga aklat at pelikula ang nag aassume na kapag namatay ang isang tao siya ay mapupunta sa langit, basta’t siya ay hindi naging labis na masama habang nabubuhay pa. Ito ay isang napaka delikadong pagtuturo, sapagkat sinabi ng Bibliya na ang bawat isa ay nakatakdang mamatay, at pagkatapos nito ay ang paghuhukom (Heb 9:27)


Ang pinakamalinaw na pagtuturo tungkol sa impyerno ay nanggaling mismo sa ating panginoong Hesukristo. Mas maraming pagkakataon pa nga na binanggit nya ang impyerno kaysa sa langit. At nagbigay siya ng balala sa mga nakikinig na sa huling panahon, ang lahat ng ating sasambitin ay ihaharap sa paghuhukom.


Pangalawa ay ang Legalism. Ito ang paniniwala na ang kailangan lang upang makapasok sa langit ay ang gumawa ng mabuti. Nakakagawa man ng kasalanan ang tao, hanggat mas lamang ang ginagawa niyang kabutihan, siya ay makakapasok sa langit. Dahil dito ay maraming tao ang naniwala na naaabot nila ang batayan ng pagiging ligtas. Ang dahilan ng iba: namuhay ako ng mabuti, marami akong tinulungan, nagbigay ako sa simbahan. Kahit na marami akong nagawang mali ay mas higit naman ang nagawa kong mabuti. Ang kanilang kasiguruhan sa kaligtasan ay nakasalalay sa kanilang mga gawa. Gayunpaman, malinaw na inilahad sa kasulatan na walang sinuman ang kayang iligtas ng mabuting gawa.


One example of this in scriptures is the rich young ruler who encountered Jesus. Ang sabi niya: mabuting Guro, ano ang dapat kong gawin upang magmana ng buhay na walang hanggan? Bago sagutin ito ni Hesus ay sinagot nya muna ang pagtawag sa kanya ng “mabuting guro”. Sinabi sa kanya ni Jesus, “Bakit mo ako tinatawag na mabuti? Walang mabuti maliban sa Diyos.” Alam ni Jesus na hindi siya kinikilala ng lalaking ito bilang isang Diyos kundi bilang isang guro lamang. Ang punto niya sa pagsagot nito ay ang i-emphasize na ang mabuti lamang ay ang Diyos.


Maraming tao ang gumagawa ng mabuti pero ang kabutihang ito ay naaayon sa standard ng sanlibutan. Ay tinawag ni John Calvin na “civic virture” at ni Jonathan Edwards na “enlightened self interest”. Sa huli, anumang kabutihan ang gawin ng tao ay ginagawa niya para sa kaniyang sarili. Ang tanging biblical standard lamang ng kabutihan ay ang katuwiran ng Diyos.


Tandaan ang sinabi ni Hesus tungkol sa greatest commandment: Love the Lord your God with all your heart and with all your soul and with all your strength and will all your mind, and your neighbor as yourself (Luke 10:27) Kahit na sumunod ang tao sa panlabas, kapag ang puso ng tao na yun ay hindi naka surrender sa Diyos, ang lahat ng gagawin niya kahit mabuti man sa mata ng tao ay may bahid ng kasalanan. Ito ang dahilan kaya sinabi ni Augustine: even our best virtues are but splendid vices. Hanggat narito tayo sa ating katawang pisikal, ang lahat ng gawin natin ay may bahid ng kasalanan. Iyon ang hindi maintindihan nung mayamang binata. Ang akala niya ay naabot nya ang standard.


Tandaan natin na hindi batayan ng kasiguruhan ng ating kaligtasan ang pagkukumpara ng ating sarili sa ibang mga tao. Maaring masabi mas mabuti ka sa ibang tao. Maaaring kamukha mo ng pagkilos ang ibang mga nasa youth group mo. Maganda man ang mga ito, pero hindi ito ang basehan para sabihing tayo ay ligtas.


Eto yung isip nung mayamang binata. Ang akala niya ay mabuti siya dahil sa sarili niyang mata ay mabuti siya kaysa sa iba. Nang isa-isahin ng Panginoong Hesus ang mga batas, ang sabi niya, ang lahat ng ito ay ginawa ko na mula sa pagkabata. Alam ng panginoong Hesus na hindi ito ang katotohanan. Kaya’t ang sabi niya dito: “Isa pa ang kulang sa iyo. Ipagbili mo ang lahat ng mayroon ka at ipamahagi mo ito sa mahihirap at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos ay bumalik ka at sumunod sa akin.” Labis na nalungkot ang lalaki sa narinig, sapagkat siya ay napakayaman.


Ang ating panginoong Hesus ay hindi nagtuturo ng isang bagong paraan para maligtas. Hindi ibig sabihin na kapag binenta mo lahat ng kayamanan at pinamigay sa mahihirap ay maliligtas ka na. hindi rin siya nagtuturo na ito ang gawin ng lahat ng kristiyano. Siya ay nakikipagusap dito sa mayamang binata sa pagkakataong ito. Ang ginawa ng Panginoon ay ipakita sa binata na hindi totoong sinusunod niya nag sampung utos. Sa simula pa lang ay hindi na siya pasado. You shall have no other gods before me. Pero pinakita ni Hesus na ang kayamanan niya ang kanyang diyos at hindi niya ito maipagpalit para sa Panginoon.


Dito naipapakita na kahit ang isang tao ay tinuturing na mabuti, ang anumang kabutihan antin ay kulang para sa pamantayan ng panginoon. Every page of the new testament speak to the truth that all our righteousness is as filthy rags. Ang taong nagtitiwala sa sarili niyang katuwiran ay may maling kasiguruhan sa kanyang pananampalataya. We cannot do enough to be saved.


Ang pangatlong paniniwala na nagbibigay ng false assurance ay ang Sacerdotalism. Ito ang paniniwala na ang kaligtasan ay matatamo sa pamamagitan ng mga priesthood, ng mga sakramento o ng simbahan. Ang iba ay nagiisip na ligtas na sila porket sila ay dumaan na sakramento ng baptism o ng binyag. Ang iba naman ay nagiisip na natatamo ang kaligtasan sa pamamagitan ng komunyon o ng pangungumpisal. May mga nagtuturo naman na ang pag-anib sa isang simbahan ang magbibigay ng kaligtasan.


Kailangan natin maintindihan na mahalaga ang lahat ng mga ito. Mahalaga maging member ng isang simbahan. Mahalaga ang baptism at communion. Gayunpaman, hindi ang mga ito ang magbibigay sa atin ng assurance ng kaligtasan.


Sa mga evangelicals, may mga gawain din na katulad nito na akala ng iba ay nagbibigay ng assurance ng kaligtasan. Kasama dito ang panalangin ng pagtanggap, ang paglapit sa altar call, o ang pagtataas ng kamay kapag nananalangin sa isang gawain. Ito ay mga techniques na ginagamit upang hikayatain ang mga tao na magsisi at manampalataya. Mahalaga man ang mga ito, ang danger dito ay kapag ito na ang basehan para masabing ang tao ay ligtas. Halimbawa, kapag may namatay, misan naiisip natin na tumanggap naman siya kay hesus sa isang evangelistic event mga dalawang tao na nakalilipas, pinipili nating isipin na ligtas siya dahil dito kahit na ang tao ay hindi naman namuhay bilang kristyano sa loob ng dalawang taon nay un.


Ngayon ay nakita natin na may ibat ibang paniniwala na nagbibigay ng false assurance. Marapat lang na tanungin natin ngayon ang sarili natin kung ang ating sariling kasiguruhan sa pananampalatay ay hindi nakabatay dito sa tatlong maling paniniwala.


Part 3. Gaining True Assurance


Ang sabi sa 2 Peter 1:10-11 10

Therefore, brothers, be all the more diligent to confirm your calling and election, for if you practice these qualities you will never fall. For in this way there will be richly provided for you an entrance into the eternal kingdom of our Lord and Savior Jesus Christ.

Dito ay pinapaalalahanan tayo ni apostol Pedro na pagsikapan nating siguruhin ang ating calling at election. Pinapakita dito na ang pagkakaroong ng assurance o kasiguruhan sa ating kaligtasan at hindi taliwas sa tinuturo ng bibliya.


Ang pagbanggit ni Pedro ng “election” o pagpili ay mahalaga. Maraming tao ang ayaw maniwala sa unconditional election. Ang tanong ng maramia y kung papaano mo malalaman kung ikaw ay kasama sa pinili o hindi. Isa itong importanteng tanong at ang sagot dito ay magbibigay sa atin ng malaking comfort as we work out our salvation with fear and trembling.


Sa 2 Tim 1:12 sinabi ni apostol Pablo na” Ngunit hindi ako nahihiya, sapagkat kilala ko ang aking sinasampalatayanan, at ako'y nagtitiwalang maiingatan niya hanggang sa araw na iyon ang aking ipinagkatiwala sa kanya.” Dito ay binabanggit ni Pablo ang kanyang kasiguruhan sa kanyang kinabukasan hindi dahil sa sarili niyang lakas o kapangyarihan kundi dahil ang kanyang kasiguruhan ay naroon sa Diyos na kanyang pinagkatiwalaan na siyang magiingat sa kanya. Ganung klaseng kasiguruhan ang gusto ni Pedro na maranasan ng bawat kristyano.


If we are called to make our election sure, then it follows that we are able to make our election sure. Posible para sa atin na malaman kung kasama tayo doon sa mga tinawag, kayat marapat lang na pagsikapan na natin na gawin ito ngayon. Ito ang dahilan kung bakit kailangan nating pagusapan at maintindihan ang unconditional election, sapagkat ito ang magsisilbing unang hakbang para malaman natin kung elect tayo o hindi.


Sa aklat ng Juan 17:6-12 ay makikita natin ang isang panalangin n gating panginoong hesukristo:

Inihayag ko ang iyong pangalan sa mga taong ibinigay mo sa akin mula sa sanlibutan. Sila ay sa iyo, at ibinigay mo sila sa akin, at sinunod nila ang iyong salita. Ngayon, alam na nilang ang lahat ng ibinigay mo sa akin ay galing sa iyo; sapagkat ang mga salitang ibinigay mo sa akin ay ibinigay ko sa kanila, at tinanggap nila ang mga ito. Nalaman nilang totoo nga na ako'y mula sa iyo, at naniwala silang ako'y isinugo mo. Nakikiusap ako para sa kanila. Hindi ako nakikiusap para sa sanlibutan, kundi para sa mga ibinigay mo sa akin, sapagkat sila'y sa iyo. Lahat ng sa akin ay sa iyo, at ang sa iyo ay sa akin; at ako ay naluluwalhati sa pamamagitan nila. Wala na ako sa sanlibutan, ngunit sila ay nasa sanlibutan, at ako ay papunta na sa iyo. Banal na Ama, ingatan mo sila sa pamamagitan ng iyong pangalan na ibinigay mo sa akin, upang sila ay maging isa, kung paanong tayo ay iisa. Habang ako ay kasama pa nila, iningatan ko sila sa pamamagitan ng iyong pangalan na ibinigay mo sa akin. Binantayan ko sila, at wala akong naiwala ni isa man sa kanila maliban sa isa na anak ng kapahamakan, upang ang Kasulatan ay matupad.

Sa panalanging ito, sinasabi ni Hesus na ang ama ay nagbigay sa kanya ng mga tao. Ang mga taong ito ay inilgtas ng anak, sapagkat ang lahat ng binibigay ng ama sa anak ay kaniyang iniingatan. Ang tinutukoy na mga tao dito ni Hesus na ibinigay sa kanya ng Ama ay ang mga elect o mga pinili. The elect whom the Father gives to the son are preseverd by the Son. Ito ang matibay na batayan ng ating kasiguruhan at hindi ang sarili nating kakayan na magpatuloy.


Upang mas lalo nating maintidihan ang ginawa ng Panginoon upang tayo ay maligtas, maganda rin mapag-aralan natin ang “ordo salutis” or “the order of salvation”. Ito ay tumutukoy sa pagkakasunod sunod ng mga pangyayari na nagdulot sa atin ng kaligtasan. Ito ay isang pag-aaral sa logical na pagkakasunod sunod at hindi sa pagkakasunod sunod nito sa oras.


Sa Romans 8, makikita natin ang isa sa pinakakilalang verses sa new testament: “And we know that for those who love God all things work together for good, for those who are called according to his purpose” (v. 28).” Ang pangako dito ay ang lahat lahat ay magkakatugma tugma para sa kabutihan ng mga umiibig sa Diyos, na siya ring tinawag ng Panginoon para sa kaniynag layunin.


Ito ay isang malalim na pagtawag. The bible speaks about two kinds of calling. There is the general call of the gospel to everyone, na tinatawag din nating external call or outward call. Hindi lahat ng makakarinig ng pagtawag na ito ay maliligtas. Ngunit may tinatawag din tayong inward call, the call of God in a person in the heart. Ito ay ginagawa ng banal na espiritu. Sa malalim na pagtawag na ito ay binubuksan ng banal na espiritu ang puso ng mga mananampalataya. Ito ang pagtawag na tinutukoy ng Romans 8:28. Ang Romans 8:28 ay hindi para sa lahat ng tinawag ng ebanghelyo kundi para doon sa pinili ng Panginoon. Ang lahat ng pinili ay makakatanggap ng inward call, na ipapakita sa atin ng mga susunod na talata.


Sa verse 29: Sapagkat ang mga kinilala niya noong una pa man ay itinalaga rin niya na maging katulad sa larawan ng kanyang Anak, upang siya ang maging panganay sa maraming magkakapatid. 30 At ang mga itinalaga niya ay kanya ring tinawag, at ang mga tinawag niya ay itinuring niyang matuwid; at ang mga itinuring niyang matuwid ay niluwalhati rin niya.


Ito ay tinatawag natin na golden chain. Ang mga kinilala niya noong una pa ay itinalaga o predestined. Ang mga tinalaga ay kanyang tatawagin. Ito ang inward call na nabanggit natin kanina. At ang mga tatawagin ay ma jujustify. We are only justified by faith. Kung ang mga tatawagin ay majujustify ibig sabihin ay mabibigyan sila ng pananampalataya. And those who are justified will be glorified.


Mahalaga ang mga pangyayaring ito para magkaroon tayo ng kasiguruhan sa ating kaligtasan. Ang glorification o pagluluwalhati na sinasabi dito ay tumutukoy sa ating kaligtasan at pagpunta sa langit. Paano mo malalaman ngayon na ikaw ay ligtas? Ang sabi sa talata ang mga tinuring na tuwid o those who are justified will be glorified. Paano mo malalaman na ikaw ay justified? Ang sabi dito those who are called are justified. Kayat sa huli, ang calling o pagtawag sa atin ng panginoon ay kadugtong ng ating kasiguruhan ng pananampalataya. If you are called then you will be justified. And if you are justified then you will be glorified.


The question then mga kapatid, is how do we know we are called?


Paul provides as an answer in Ephesians 2

Kayo noon ay mga patay dahil sa inyong mga pagsuway at mga pagkakasala. Namuhay kayo noon ayon sa takbo ng sanlibutang ito at sumunod sa pinuno ng kapangyarihan ng himpapawid, ang espiritung kumikilos ngayon sa mga anak ng pagsuway. Tayong lahat ay kasama nila noon na namuhay sa mga pagnanasa ng laman at pinagbibigyan natin ang mga hilig ng laman at ng pag-iisip. Tayo noon ayon sa kalikasan ay katulad ng iba na kabilang sa mga taong kinapopootan ng Diyos.Ngunit ang Diyos, na mayaman sa awa, dahil sa kanyang dakilang pag-ibig sa atin,kahit noong tayo'y mga patay pa dahil sa ating mga pagsuway, ay binuhay niyang kasama ni Cristo. Dahil sa biyaya tayo'y iniligtas. At dahil kay Cristo Jesus, tayo'y muling binuhay na kasama niya, at iniluklok na kasama niya sa kalangitan, upang sa mga panahong darating ay kanyang maipakita ang walang kapantay na kayamanan ng kanyang biyaya sa pamamagitan ng kanyang kabutihan sa atin na matatagpuan kay Cristo Jesus. Dahil sa biyaya kayo'y iniligtas sa pamamagitan ng pananampalataya, at ito'y hindi sa pamamagitan ng inyong sarili; ito'y kaloob ng Diyos, hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang walang sinumang makapagmalaki. Sapagkat tyo ang kanyang gawa, na nilikha kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa, na inihanda ng Diyos noong una pa man upang ating ipamuhay.

Dito ay binanggit ni Pablo ang pagbuhay sa atin na kasama ni Cristo. Sinabi ni Hesus kay Nicodemo na kailangang ipanganak ng muli ang isang tao upang siya ay makapasok sa kaharian ng Diyos. Ang pagbuhay na ito sa atin mula sa pagiging patay ay nakadugtong sa pagpili at pagtawag sa atin ng diyos. Kapag ikaw ay pinili, ikaw ay bubuhayin ng Diyos o magkakaroon ng pangalawang kapanganank o ang pagiging born again. Ito ay tinatawag din na regeneration. Ang lahat ng naregenerate ay pinili. Kung sigurado ka na ikaw naregenerate ay masisiguro mo na ikaw ay pinili. At kung masisiguro mo na ikaw ay pinili, masisiguro mo ang iyong kaligtasan.


Part 4. The source of full assurance


Ang pagiging born again ay nangangahulugan na tayo ay binago ng Banal na Espiritu ng Diyos. Mahalaga sa ating kasiguruhan ng pananampalataya na maintidihan natin ito.


Sa binasa natin sa Efeso 2, ipinakita ang pagkakaiba ng buhay nung mga hindi nabibigyan ng buhay.

Namuhay kayo noon ayon sa takbo ng sanlibutang ito at sumunod sa pinuno ng kapangyarihan ng himpapawid. namuhay sa mga pagnanasa ng laman at pinagbibigyan natin ang mga hilig ng laman at ng pag-iisip. Ang pinapakita dito ay ang buhay ng isang taong hindi pa ipinapanganak ng muli. Ngunit pagkatapos nating maregenerate , hindi na kayo mga dayuhan at mga banyaga, kundi kayo'y kabilang sa sambayanan ng mga banal at mga kaanib sa sambahayan ng Diyos.

Ang taong hindi pa binago ng Espiritu o “unregenerate” ay nasa kanyang natural na kalagayan. Tinawag ito ng bibliya na nasa pagkaalipin sa pagkabulok, o bondage to corruption (Romans 8:21), mag patay sa kasalanan (Eph 2:1), at children of wrath o yung mga kinapopootan ng Diyos (eph 2:3). Sinasabi pa ng salita ng Diyos na tayo ay kalaban ng Panginoon which means that we have a hostile attitude to God. Kayat maliban na maborn again o maregenerate ang isang tao, wala siyang kakayanan na lumapit, magsisi, magtiwala o umibig sa Diyos. Sa pamamagitan nito ay maaari nating tanungin ang sarili natin upang malaman kung tayo ay naregenerate nga o hindi.


Bilang praktikal na solusyon, tanungin natin ang sarili natin. Mahal mo ba si Hesus ng ganap? Halos lahat ay magsasabi ng hindi. Sapagkat kung ganap ang pag-ibig natin kay Kristo ay magiging ganap din ang pag—ibig natin sa kanya. Ang sabi ni Hesus, if you love me, you will keep my commandments. Kung hindi ay tanungin mo ang sarili mo, mahal mo ba si Hesus ng karapat dapat na pagmamahal na ibigay sa kanya? Marami rin ang magsasabi ng hindi. Sapagkat wala sa atin sa ngayon ang makapagbibigay ng karapat dapat na pagibig para kay kristo. Ang pangatlong tanong ang pinakasimple: “Mahal mo ba si Hesus?” Marami ang sasagot ng oo. Pero bago natin sagutin yan, kailangan po natin mag-ingat at kilalanin muna ang totoong Hesus na nasa bibliya. Marami kasi ang tao magsasabing mahal nila si Hesus, ngunit ang pagkakakilala nila kay Hesus ay tagapagbigay lang ng pagpapala, kayamanan o kagalingan. Ganito rin naman nung nasa katawang tao pa si Hesus, marami ang sumusunod sa kanya dahil sa mga tinapay at mga himala. Kung kilala mo ang Kristo ng bibliya at masasabi mong mahal mo siya, isa lang ang ibig sabihin non sapagkat hindi possible sa isang unregenerate o hindi pa na born again na ibigin si Kristo. Kung iniibig mo si kristo, eto ay nagpapakita na kumilos ang banal na espiritu sayo at kasama ka nga sa mga pinili at tinawag. Bago magkaron ng regeneration, tayo ay malayo, malamig, galit o walang pakialam sa Diyos at imposibleng ibigin natin siya. Ang pag-ibig sa Diyos ang nagpapakita na tayo ay naborn again nga, sapagkat ang ating laman ay walang kapangyarihang ibign si kristo.


Ang isang dilemma na lang ng marami sa ngayon ay, oo naniniwala silang naborn again sila, pero andon ang takot na sila ay mawala pa kay kristo bago nila lisanin ang sanlibutang ito. Ang paniniwalang ito ay bunga ng maling paniniwala, lalo na ang paniniwala sa pagkakaroon ng “carnal” christians.


Kailangan natin maintindihan na ang pagiging carnal o makalaman ay nasa tao na simula pa lang. kapag ikaw ay naregenerate o naborn again, binabago na ng panginoon ang iyong puso at isipan, pero nanatili pa rin an gating laman, at ang pagiging carnal natin, ang pita n gating laman, ay makikipaglaban sa atin sa ating buong buhay habang naririto pa tayo. May mga pagkakataon na babagsak tayo, at maari taung tawaging carnal, pero hindi ito mananatili. Ang totoong “carnal” christian ay yng mga tinatawag na kristyano ang sarili nila pero hindi naman talaga binago ng banal na espritu ang kanyang pagkatao.


Tignan natin ang mga pangako ng Diyos sa gawa sa atin ng banal na espiritu:


2 Corinto 5:1-5 Sapagkat alam namin na kung mawasak ang ating tirahang tolda sa lupa, mayroon tayong gusali mula sa Diyos, isang bahay na hindi gawa ng kamay ng tao, walang hanggan sa sangkalangitan. Sa ngayon tayo ay dumaraing, nasasabik na mabihisan ng ating panlangit na tahanan, sapagkat kapag tayo ay nabihisan na, hindi tayo madadatnang hubad. Sapagkat habang tayo ay nasa toldang ito, tayo ay dumaraing dahil sa pasanin, hindi sa nais naming matagpuang hubad, kundi ang mabihisan, upang ang may kamatayan ay lunukin ng buhay. Ang naghanda sa atin para sa layuning ito ay Diyos, na nagbigay sa atin ng Espiritu bilang katibayan.

Dito ay nabanggit na binigay sa atin ang Espiritu bilang katibayan. Sa ingles, ang salitang ginamit ay “guarantee” o “earnest”. Ang salitang earnest ay galing sa kalakalan. Kapag ikaw ay bibili ng isang bahay, ang bibili usually ay magbibigay ng tinatawag na earnest money. Ito ang nagpapakita na sila ay seryoso sa pagbili, at may intensyon silang tapusin ang transakyon o ang kontrata. Eto ang sinasabi sa 2 cor 5:5. Ang banal na espiritu ang nagsisilbing garantiya o katibayan na tayo ay inligtas ng Diyos at ito ay kanyang tatapusin. Kung nagiisip tayo na maaring ligtas ako ngayon, pero bukas maaaring mawala. Ito ay taliwas sa katotohanan na itinuturo sa biblya, na ang Diyos ay tatapusin ang kanyang sinimulan. Naglagay siya sa atin ng katibayan na tatapusin niya ang kanyang pangako. Ito ay nagbibigay sa atin ng kasiguruhan.


Sa 2 Cor 1:1-10

2 Corinto 1:15-20 Dahil sa pagtitiwalang ito, binalak kong dalawin muna kayo, upang kayo'y magkaroon ng higit pang pagpapala. Ninais kong dalawin kayo noong ako'y papuntang Macedonia, at mula roon ay bumalik sa inyo, at sa ganoon ay maihatid ninyo ako sa aking paglalakbay papuntang Judea. Nagdalawang-isip ba ako nang binalak kong gawin ito? Katulad ba ako ng makamundong tao kung magplano, na pinagsasabay ang “Oo at Hindi?” Dahil tapat ang Diyos, ang aming salita sa inyo ay hindi “Oo at Hindi.” Sapagkat ang Anak ng Diyos, si Jesu-Cristo na ipinangaral sa inyo sa pamamagitan ko at nina Silvano at Timoteo, ay hindi “Oo at Hindi,” kundi sa kanya ang “Oo” ay “Oo.” Sapagkat gaano man karami ang mga pangako ng Diyos, lahat ng mga ito kay Cristo ay “Oo.” Kaya't sa pamamagitan niya ay nasasabi namin ang “Amen,” sa ikaluluwalhati ng Diyos.

Ano ang sinasabi ni apostol Pablo dito? Ang Diyos ay hindi tumatalikod sa kanyang pangako. Hindi niya sinasabing oo at hindi, ang kanyang oo ay oo, at ang lahat ng kaniyang pangako ay kanyang tutuparin sapagkay siya ay tapat. Ito ay parte ng kanyang divine character.


Sinabi pa ni Pablo: At ang nagpapatatag sa amin at sa inyo kay Cristo ay ang Diyos. Hinirang niya kami, tinatakan at ibinigay ang Espiritu sa aming mga puso bilang katibayan.


Hindi lang katibayan ang banal na espiritu sa atin kundi tinatakan pa tayo ng panginoon. Sa unang kapanahunan ang tatak o selyo ng hari ang nagpapakita na ang isang dokumento ay tunay. Ang selyo ng Banal na espiritu sa buhay natin ang nagsisilbing garantiya o tatak na ang kanyang pagkilos at pangako sa atin ay tunay.

Roma 8:14-17 Sapagkat ang lahat ng pinapatnubayan ng Espiritu ng Diyos ay mga anak ng Diyos. Sapagkat hindi kayo tumanggap ng espiritu ng pagkaalipin upang muli kayong matakot, kundi tumanggap kayo ng espiritu ng pagkupkop, bilang mga anak na sa pamamagitan nito'y tumawag tayo, “Abba! Ama!” Ang Espiritu mismo ang nagpapatotoo kasama ng ating espiritu na tayo'y mga anak ng Diyos. At dahil tayo'y mga anak, tayo'y mga tagapagmana ng Diyos at kasamang tagapagmana ni Cristo, kung tunay ngang tayo'y nagtitiis kasama niya, nang sa gayon, tayo'y makakasama niya sa kanyang kaluwalhatian.

Tignan natin an gating mga buhay. Minamahal ba natin si Kristo? Nakikita ba natin agn buhay nag isang naregenerate sa buhay natin? Nagkaroon ba tayo ng mga bunga ng banal na espiritu? Maaari nating tignan ang lahat ng ito at magbibigay ito ng Liwanag kung tayo ay ligtas nga. Ngunit ang isa sa pinakmatibay na kasiguruhan ay binibigay sa atin ng Espiritu mismo. Sinabi dito sa talata na ang Espiritu mismo ang magpapatotoo kasama n gating espiritu na tayo’y mga anak ng Diyos. Pano natin malalaman na Espiritu ng Diyos ang nagpapatotoo sa atin at hindi masamang espiritu o sarili nating pagiisip? Ang espiritu ng Diyos ay nagpapatoo sa atin sa pamamagitan ng kanyang salita. Kapag malayo tayo sa salita ng diyos, malayo din tayo sa kasiguruhan natin sa ating kaligtasan. The more we are in the word, the more that the word will give light to our lives and the more the spirit of God will confirm with our souls that we are truly his, and that we are indeed among the children of God.

458 views

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page