top of page

Ang Mahalagang Resulta ng Pagdurusa

Writer's picture: RP TeamRP Team



“Natatakot ba si Job sa Diyos nang walang dahilan?”Job 1:9


Ito ang masamang tanong ni Satanas hinggil sa matuwid na taong iyon noong unang panahon, ngunit marami sa kasalukuyang panahon ay maaaring ipagtanong din ito nang may katarungan, sapagkat mahal nila ang Diyos ayon sa pagpapaunlad Niya sa kanila; ngunit kung may mangyaring masama sa kanila, tatalikuran nila ang lahat ng ipinagmamalaki nilang pananampalataya sa Diyos. Kung malinaw nilang nakikita na mula noong panahon ng kanilang inaakalang pagbabalik-loob, na ang mundo ay naging maunlad kasama nila, sa gayon ay mamahalin nila ang Diyos sa kanilang dukha at makalaman na paraan; ngunit kung sila ay magtitiis ng kahirapan, sila ay maghihimagsik laban sa Panginoon.


Ang kanilang pag-ibig ay ang pag-ibig sa hapag, hindi ng punong-abala; isang pag-ibig sa aparador, hindi sa panginoon ng bahay. Sa tunay na Kristiyano, inaasahan niyang matamo ang kanyang gantimpala sa kabilang buhay at magtiis sa kahirapang ito. Ang pangako ng lumang tipan ay kasaganaan, ngunit ang pangako ng bagong tipan ay kahirapan. Alalahanin ang mga salita ni Kristo — “Bawat sanga ko na hindi nagbubunga” — ano? — “aalisin niya, at bawat sanga na namumunga ay pinuputol niya, upang ito ay magbunga ng higit pa.” Kung ikaw ay mamumunga ay kailangang mong magtiis ng paghihirap.


"Naku!," sabi mo, "iyan ay isang kakila-kilabot na pag-asa." Ngunit ang kapighatiang ito ay gumagawa ng gayong mahalagang mga resulta, sapagkat ang Kristiyano na siyang pakay nito ay dapat matutong magalak sa mga kapighatian dahil habang dumarami ang kaniyang mga kapighatian, gayon din ang kaniyang kaaliwan ay sumasagana kay Kristo Jesus.


Makatitiyak ka, kung ikaw ay anak ng Diyos, hindi ka magiging estranghero sa pamalo. Ang bawat ginto ay dapat dumaan sa apoy. Huwag kang matakot, bagkus magalak ka na ang gayong mabungang mga panahon ay nakalaan para sa iyo, sapagkat sa mga iyon ikaw ay ilalayo sa piling ng lupa at magiging karapat-dapat sa langit; ikaw ay maliligtas mula sa pagkapit sa kasalukuyan at bibigyang pananabik para sa mga bagay na walang hanggan na malapit nang ihayag sa iyo. Kapag nararamdaman mo na kung sa kasalukuyan ay naglilingkod ka sa Diyos na para bang walang kabuluhan, sa huli ay magagalak ka sa walang hanggang gantimpala ng hinaharap.


C.H. Spurgeon Devotional

28 views

Recent Posts

See All

Comments


© 2023 by The Reformed Pinoy.

  • Facebook
bottom of page