top of page
Writer's pictureRP Team

Monergism


Ang monergism ay isang doktrina ng reformed theology na tumutukoy sa kawalang kakayanan ng tao para ibigin ang Diyos at ang kabanalan kung hindi kikilos sa kanya ang Diyos mismo upang siya ay baguhin. Ibig sabihin nito na ang gawa ng pagliligtas sa atin ay natatanging gawa lang ng Diyos at ang tao ay walang kakayanan o kapangyarihan na tumulong ng anuman para dito.


Ang kasalungat ng monergism ay ang synergism. Ito naman ay ang pananaw na tayo ay gumagawang kasama ng Diyos para sa ating kaligtasan, katulad ng pagpili sa Kanya o pagdedesisyon na Siya ay tanggapin sa ating buhay.


Ang ilan sa mga doktrina ng reformed theology ay ang "5 solas" at "doctrines of grace". Sa 5 solas ay ipinapahiwatig na ang tao ay naliligtas sa pamamagitan ng pananampalataya, sa biyaya ng Diyos at kay Kristo lamang. Ang "doctrines of grace" naman ay nagtuturo na ang tao ay patay sa kasalanan ngunit namatay si Kristo para sa mga pinili ng Diyos noon pa man upang bigyan sila ng buhay. Maging ang pananampalataya ay nagmumula sa Panginoon. Ang mga ito ay nagpapakita na ang buong kaligtasan ng tao ay sa pamamagitan lamang ng Diyos. Dahil dito ang monergism ay mahigpit na nakatali sa reformed theology.

17 views

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page