top of page
Writer's pictureRP Team

Ang Pananampalataya Laban sa Tukso (2)


Yamang ang pananampalataya ay 'ang katiyakan ng mga bagay na inaasahan', ito ang pinakamabuting tulong natin, sa pagdurusa, sapagkat ito ay nagtuturo sa atin na balansehin ang ating mga tukso sa ating mga pag-asa. Kapag ginawa ng diyablo na ikaw ay panghinain at tamarin sa gawain ng Panginoon, ang pananampalataya ay naghahayag na pansamantala lamang ang kasalukuyang kahirapan. Kapag ang diyablo ay lumikha ng nakakainis na pag-iisip ng tungkulin, ang pananampalataya ay kumakatawan sa walang katapusang kasiyahang dapat sundin. Ang mananampalataya ay nagpasiya na mas mabuting pumunta sa langit na may pagpapagal, kaysa sa impiyerno na may kasiyahan. Dahil dito, si Moises ay naging matagumpay (Heb. 11:26).


Ang pagtingin sa gantimpala ay lubhang nakakaimpluwensya sa ating buhay. Ang mga patikim ng langit ay magdadala ng napakalakas na impluwensya sa puso ng isang mananampalataya, na ang lahat ng mga dahilan sa mundo ay hindi maaaring baguhin o masira ang puwersa ng ating espirituwal na layunin. Kapag tayo ay natutukso na pabayaan ang tungkulin para sa makamundong pakinabang, ang ating pananampalataya ay tumitingin sa ating mataas na pagkatawag, at sa kayamanan ng makalangit na Jerusalem.


Kung tayo ay natutukso na maghanap ng makamundong karangalan, ang pananampalataya ay tumitingin sa korona ng katuwiran na ibibigay sa atin ng Diyos sa araw na iyon. Kung ang takot sa kahihiyan ay nagpapahina sa atin sa ating mga tungkulin, isinasaalang-alang ng ating pananampalataya ang kalituhan ng mukha na makikita sa mga masasama habang sila ay humaharap sa trono ng Kordero.


Kapag natutukso tayong bumulung-bulong at huminto sa ilalim ng krus, titiyakin ng pananampalataya na bagaman mahirap ang daan, magiging matamis ang wakas ng paglalakbay. Pinoprotektahan ng Kanyang mga pangako ang ating mga puso mula sa lason at iniingatan ang kaluluwa sa isang banal na katapangan para sa Diyos. Sinasabihan nila tayo ng tungkol sa mga ilog ng kasiyahan na umaagos mula sa puso ni Jesu-Kristo, at ang matamis na kasiyahang matatamasa natin kasama ng Diyos magpakailanman. O! Kapag nagsimula nang magwakas ang oras upang pumunta sa kabilang mundo, ano ang ibibigay natin upang uliting muli ang ating buhay? O gaano tayo magiging kasigasig, mapagbantay, at seryoso kung nasa puso natin ang diwa ng kawalang-hanggan!


Thomas Manton, By Faith, Sermons on Hebrews II

124 views

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page