In the book, A Crook in the Lot, Thomas Boston talks about the sovereignty of God in trials and also gives us a reminder about how prone we are to sin when we are going through them. Ang “crook in the lot” na tinatawag niya ay tumutukoy sa mga trials. Ito ay ang mga “baluktot” na karaniwang nangyayari sa ating mga tahimik na pamumuhay at hango sa Ecclesiastes 7:13 – “Pag-isipan mong mabuti ang ginawa ng Diyos. Sino ang makapagtutuwid sa binaluktot niya?”
Sa aklat ng Proverbs (26:7) ay napansin ni Solomon ang mga taong pilay ang paa, ang isa sa kanilang paa o binti ay nakabitin at walang halaga, at dahil dito sila ay hirap sa paglalakad. Ito ay isang pisikal na “crook in the lot” sa kanilang buhay, ngunit maaari rin itong magbigay larawan sa buhay ng isang kristiyano na dumadaan sa sarili niyang mga pagsubok. Hindi madali ang lakad ng buhay kristiyano sa ilalim ng mga pagsubok, at dahil dito ito rin ang nagiging pagkakataon para ang mga tukso ay makapasok sa ating mga buhay. Wala nang mas hihigit pang magandang pagkakataon para sa mga tukso kaysa sa mga pagkakataon na dumaraan tayo sa pagsubok at hirap sa ating paglalakad, kaya’t sabi ng apostol (Hebrews 12:13) “ at gumawa kayo ng matuwid na landas para sa inyong mga paa, upang huwag malinsad ang pilay, kundi bagkus ay gumaling.”
Ito ay dapat magturo sa atin ng dalawang bagay:
Una, ay unawain at bigyan ng kahabagan ang ating mga kapatid na dumaraan sa mga pagsubok, gayong sa mga pagkakataong ito ay mas marupok sila sa tukso ng kasalanan. Sabi ni Job (12:5):
Sa pag-iisip ng isang nasa katiwasayan ay may pagkutya sa kasawian; nakahanda iyon sa mga nadudulas ang mga paa.
Abutin, ipanalangin, at tulungan natin sila sapagkat nasa pagkakataon sila na handang madulas anumang oras.
Pangalawa, ay lubos nating ingatan ang ating mga sarili na huwag mahulog sa kasalanan kapag dumarating ang mga pagsubok. Ang sabi ni Boston: Satan fails not to make diligent use of it for these dangerous purposes. Sa pagdaan sa mga problema ay nawawala ang ating isip sa pakikipaglaban sa kasalanan kaya’t mas madaling bumigay dito. Ganunpaman, dapat nating tandan na ang PAGSUBOK AY HINDI SA ATIN NAGBIBIGAY NG KARAPATAN PARA MAGKASALA.
Nung nagkaroon siya ng “crook in the lot”, ang manunulat ng awit na si Asaph ay nagpakita ng pag-aalinlangan laban sa Diyos. “Sa walang kabuluhan ay pinanatili kong malinis ang aking puso, at ang aking mga kamay sa kawalang-sala ay hinuhugasan ko.” (Psalms 73:13) Minsan dahil sa bigat ng ating mga pagsubok ay bumibigay tayo ng madali sa mga init ng ulo, sa pagiging magalitin, sa kawalan ng gana manalangin, at ang iba ay bumabalik sa kanilang mga bisyo at gawaing makalaman. Palaging isipin na ang Diyos ang may hawak ng lahat ng bagay kasama ng ating mga pagsubok. At minsan ang pagsubok ay nilalayon niya mismo upang mapatunayan kung totoo tayong kanya o kung tayo’y nagiging hipokrito sa ating pananampalataya, katulad ng gustong patunayan ni Satanas tungkol kay Job.
Sa kanyang pagkaunawa sa sovereignty ng Diyos, sa kanyang awit ay itinama ni Asaph ang pagkakamali:
Nang ang aking kaluluwa ay nagdamdam,
nang ang kalooban ko'y nasaktan,
ako'y naging hangal at mangmang;
ako'y naging gaya ng hayop sa harapan mo.
Gayunman ako'y kasama mong palagian,
inaalalayan mo ang aking kanang kamay.
Sa iyong payo ako'y iyong pinapatnubayan,
at pagkatapos ay tatanggapin mo ako sa kaluwalhatian.
Anong mayroon ako sa langit kundi ikaw?
at liban sa iyo'y wala akong anumang ninanasa sa lupa.
Ang aking laman at ang aking puso ay maaaring manghina,
ngunit ang Diyos ang lakas ng aking puso at bahagi ko magpakailanman.
(Mga Awit 73:21-26)
So remember dear Reformed Pinoys, crooks happen in our lot. Trials and problems come. They can either push us away from God into sin, or draw us closer to the heart of God. God has a purpose for his glory in your suffering so while we are doing so, let us avoid sin.
Comments