Handa ka na bang humarap sa Diyos kung ikaw ay mamatay? Alam mo ba ang tindi at kabayaran ng kasalanan mo sa harapan ng Banal na Diyos? Alam mo ba kung paano maliligtas ang isang tao?
KAIBIGAN, mahalaga ang mga tanong na yan, dahil ayon sa Biblia sa Hebreo 9:27,
“Itinakda sa mga tao na minsan lamang mamatay at pagkatapos ay ang paghuhukom.”
Ang magiging hatol sa karamihan ay impyerno dahil sa kasalanan.
Ang katangian ng Diyos
Siya ay Banal
Hab 1:13 “Ang iyong mga mata ay malilinis at hindi makakatingin sa kasamaan,” at hindi makakatingin sa kamalian…
Isa 59:2 Ngunit pinaghiwalay ng inyong mga kasamaan kayo at ang inyong Diyos, at ang inyong mga kasalanan ay siyang nagkubli ng kanyang mukha sa inyo, anupa’t siya’y hindi nakikinig.
Siya ay matuwid at makatarungan
Psa 11:7 Sapagkat ang PANGINOON ay matuwid; minamahal niya ang mga gawang matuwid; ang kanyang mukha ay mamamasdan ng matuwid.
Isa 5:16 Ngunit ang PANGINOON ng mga hukbo ay itinaas sa katarungan, at ang Diyos na Banal ay napatunayang banal sa katuwiran.
Ang tao ay makasalanan at nararapat sa kaparusahan
Rom 3:23 Yamang ang lahat ay nagkasala, at hindi nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos
Isa 64:6 Kaming lahat ay naging gaya ng isang marumi, at ang lahat naming katuwiran ay naging parang maruming basahan lamang.
Gal 3:10 Sapagkat ang lahat na umaasa sa mga gawa ng kautusan ay nasa ilalim ng sumpa; sapagkat nasusulat, “Sumpain ang bawat isang hindi sumusunod sa lahat ng bagay na nasusulat sa aklat ng kautusan.”
Pinapakita sa mga talata sa itaas ang tindi ng kasalanan ng mga tao, lahat ay nagkasala at lahat ng pagsisikap na maging matuwid sa harapan ng Diyos ay walang saysay. Narito ang listahan ng ilan sa mga batas ng Diyos at ang mga kasalanan. Tingnan mo ito ng maigi para makita mo ang mga batas ng Diyos na sinuway mo.
Ito ang ilan sa SAMPUNG UTOS ng DIYOS (Exo 20:3-17):
Huwag sumamba at yumukod sa diyos-diyusan / larawan o rebulto… (Ika-2)
Bawal talaga ang mga diyos-diyusan!
Igalang mo ang iyong ama at ina. (Ika-5)
Huwag kang papatay (Ika-6)
Huwag kayong mangangalunya (Ika-7)
Huwag kayong magnanakaw (Ika-8) -Nagnakaw ka na ba?
Huwag kayong magsinungaling (Ika-9 utos) -Lying is sin!
Ibang Mga Kasalanan:
Pakikipagtalik ng di pa ikinakasal, May kabet o may ibang kinakasama maliban sa iyong asawa, Pagkababaero,
Pagiging bakla o tomboy (homosexual), Pandaraya;
Panonood ng malalaswang palabas sa TV, DVD, o internet;
Paglalasing, Pag-aabuso sa katawan (paninigarilyo), Paggamit ng bawal na gamot;
Pagkainggit, Panlalait, Pagkasakim, Pagsusugal, Tsismis;
Pagmumura, May galit o poot sa kapwa, Walang oras sa Diyos
Rom 1:28 At palibhasa'y hindi nila minabuting kilalanin ang Diyos, hinayaan sila ng Diyos sa isang mahalay na pag-iisip, upang gawin ang mga bagay na hindi nararapat. 29 Napuno sila ng lahat ng uri ng kasamaan, kalikuan, kasakiman, kahalayan; at puno ng inggit, pagpaslang, pag-aaway, pandaraya, katusuhan, mahihilig sa tsismis, 30 mga mapanirang-puri, mga napopoot sa Diyos, mga walang pakundangan, mga palalo, mga mapagmataas, mga manggagawa ng masasamang bagay, mga suwail sa mga magulang, 31 mga hangal, mga hindi tapat sa kanilang mga pangako, hindi mapagmahal, mga walang awa. 32 Nalalaman nila ang mga iniuutos ng Diyos, na ang mga gumagawa ng gayong mga bagay ay karapat-dapat sa kamatayan, ngunit hindi lamang nila ginagawa ang gayon kundi sinasangayunan pa ang gumagawa ng mga iyon.
Isang paglabag lang ay sapat na para itapon ka sa Impyerno! Santiago 2:10 Ang lumalabag sa isa, kahit tumupad sa iba pang mga utos ay lumalabag pa rin sa buong Kautusan
Ang Dakilang Suliranin
Kawikaan 17:15 Siyang nagpapawalang sala sa masama, at siyang nagpaparusa sa matuwid, ay kapwa kasuklamsuklam sa PANGINOON.
Gen 18:25 Malayong gagawa ka ng ganito, na ang banal ay iyong pataying kasama ng masama, anupa’t ang banal ay makatulad sa masama! Malayong mangyari iyan! Di ba gagawa ng matuwid ang Hukom ng buong mundo?”
Dahil “Guilty Ka Talaga,” at ang Diyos ay matuwid, ang kaparusahan mo ay IMPIYERNO! Paano ka ngayon aaring-matuwid sa harapan ng Diyos?
Ang hinihingi ng Diyos ay perpektong pagsunod sa Kanyang utos at ganap na kabayaran para sa iyong mga kasalanan. Hindi mo ito kayang ibigay!
ANG TANGING PAG-ASA MO: Ang mabuting balita
Habang pinapanatili ang Kanyang kabanalan at katuwiran, pinapagtibay din ng kasulatan na ang Diyos ay pag-ibig, sa Kanyang pag-ibig Siya ay tumugon sa suliranin ng tao.
1 Juan 4:8-10 Ang hindi umiibig ay hindi nakakakilala sa Diyos; sapagkat ang Diyos ay pag-ibig. Dito nahayag ang pag-ibig ng Diyos sa atin, sapagkat sinugo ng Diyos ang kanyang bugtong na Anak sa sanlibutan upang tayo'y mabuhay sa pamamagitan niya. Narito ang pag-ibig, hindi sa tayo'y umibig sa Diyos, kundi siya ang umibig sa atin, at sinugo ang kanyang Anak na pantubos sa ating mga kasalanan.
Sabi din sa Biblia sa Juan 3:16,
“Gayon na lamang ang pagibig ng Diyos sa sanlibutan kaya ibinigay Niya ang Kanyang bugtong na anak upang ang mampalataya sa Kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.”
ANG KALIGTASAN AY MATATAGPUAN KAY HESU-KRISTO LAMANG.
Banal ang Diyos, at hindi niya tatanggapin ang makasalanan. Ang mabubuting gawa mo ay di sapat upang bayaran ang kasalanan mo. Hindi mo kayang iligtas ang sarili mo sa poot na darating.
Ang Mabuting Balita ay inabot ng Diyos sa Kanyang pag-ibig ang makasalanan at di-karapat-dapat na tulad mo at tulad ko. Nanaog si Hesus sa lupa, tinupad ng ganap ang kautusan, namatay Siya sa Krus at dumanak ang Kanyang dugo upang bayaran ang iyong kasalanan, sapagkat kung walang pagdanak ng dugo ay walang kapatawaran ng mga kasalanan. (Heb 9:22).
Inako Niya ang kaparusahan na dapat ay sa mga makasalanan na tulad mo at tulad ko, tinamo ang galit at poot ng Diyos Ama laban sa ating mga kasalanan, at nabuhay Siyang muli sa ikatlong araw bilang patunay na sapat na ang Kanyang ginawa at upang ipaghayag ang Kanyang pagtatagumpay (1 Cor 15).
Mga Gawa 4:12 Walang kaligtasan sa kanino pa man, sapagkat walang ibang pangalan sa ilalim ng langit na ibinigay sa mga tao na ating ikaliligtas."
Juan 14:6 Sinabi sa kanya ni Jesus, 'Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay. Sinuman ay hindi makakarating sa Ama kundi sa pamamagitan ko.
Ang nararapat na tugon sa Mabuting Balita
Pagsisisi
Ito ay nagsisimula sa pagkilala at pagpapahayag na ikaw ay makasalanan ayon sa sinasabi ng Diyos sa Kanyang salita at tutungo sa pagtalikod sa iyong mgakasalanan na iyong iniibig noon.
Mga Awit 51:3-4 Sapagkat aking nalalaman ang mga pagsuway ko, at ang aking kasalanan ay laging nasa harapan ko. Laban sa iyo, sa iyo lamang ako nagkasala, at nakagawa ng kasamaan sa iyong paningin, upang ikaw ay maging ganap sa iyong pagsasalita at walang dungis sa iyong paghatol.
Isa 1:16 Maghugas kayo ng inyong sarili, maglinis kayo; alisin ninyo ang kasamaan ng inyong mga gawa sa aking paningin; tumigil kayo sa paggawa ng kasamaan.
Pananampalataya
Hebreo 11:1 Ngayon, ang pananampalataya ay ang katiyakan sa mga bagay na inaasahan, ang paninindigan sa mga bagay na hindi nakikita.
Mga Gawa 16:31 At kanilang sinabi, “Manampalataya ka sa Panginoong Jesus at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sambahayan.”
Kaya’t ikaw ay magsisi at mananampalataya sa kasapatan ng dugo at ganap na katuwiran ni Jesu-Cristo, idadamit niya sa iyo ang Kanyang katuwiran at ikaw ay patatawarin ng Diyos. Sa pamamagitan ni Jesus, ang poot ng Diyos sa’yo dahil sa’yong mga kasalanan ay mapapawi at magkakaroon ka ng buhay na walang hanggan.
At bibigyan ka Niya ng bagong puso upang ikaw ay sumunod sa Kanyang mga utos at patuloy na tumalikod sa kasalanan.
Kung sinasabi mo na kilala mo na ang ating Panginoong Hesu-Kristo, tignan mo sa Kasulatan ang mga patunay na ikaw nga ay nasa Kanya na.
1 Juan 1:5-7 – Ikaw ba ay lumalakad sa liwanag?
1 Juan 1:8-10 Ikaw ba ay nagpapahayag ng iyong kasalanan?
1 Juan 2:3-4 Ikaw ba ay sumusunod sa Diyos?
1 Juan 2:9-11 Iniibig mo ba ang kapatiran?
1 Juan 2:15-17 Namumuhi ka ba sa kasamaan?
1 Juan 2:24-25 Nagpapatuloy sa katuruan ni Kristo?
1 Juan 3:10 Lumalakad sa katuwiran?
1 Juan 4:13, Galatians 5:22-23 May bunga at patotoo ka ba ng Banal na Espiritu?
Hebreo 12:5-8 Dinidisplina ka ba ng Diyos tuwing ikaw ay nagkakasala?
Papuri sa Diyos dahil hindi lamang Siya nagliligtas kundi naglilinis din Siya ng puso. Nais mo bang higit pang makilala ang Panginoong Hesu-Kristo?
Sa Diyos lamang ang lahat ng Papuri!
Notes:
This is my very first blog in Filipino language.
Maaari mo ding i-download ang gospel-tract sa link na ito.
Ang presentasyon ng Mabuting Balita ay hango sa The Gospel of Jesus Christ | Tract mula Heart Cry Missionaries.
ความคิดเห็น