May inggit sa bawat isa sa atin; O gaano kahirap ang magalak sa mga kaloob, mga biyaya, at mga pagpapagal ng iba, at maging kontento sa mga pangyayari, kapag itinuring tayo ng Diyos bilang hindi karapat-dapat, at ginagamit ang iba upang luwalhatiin ang kanyang pangalan! Tayo ay nababagabag kung ang iba ay lumuwalhati sa Diyos, at hindi tayo, o higit sa atin, o kung sila ay mas banal, mas kapaki-pakinabang, o mas seryoso; hindi ito tinatanggap ng mga sarili natin.
Ngayon sa pamamagitan ng paglalagay ng panalanging ito sa Diyos, ipinauubaya natin sa kanya ang pagpili ng instrumento na kanyang gagamitin. Dapat tayong maging kontento sa pagpapababa at pagkukubli kung si Kristo ay napaparangalan at dinadakila. Maraming beses na dapat tayong maging kontento, hindi lamang sa pagiging aktibong mga instrumento kundi mga bagay ng kaniyang kaluwalhatian. Kung luluwalhatiin ng Diyos ang kanyang sarili sa pamamagitan ng ating kahirapan, o ng ating kahihiyan, ng ating sakit at karamdaman, dapat tayong makuntento.
Kailangan nating seryosong harapin ang Diyos tungkol sa bagay na ito upang tayo ay magpasakop sa kalooban ng Panginoon katulad ni Jesus: 'Iligtas mo ako mula sa oras na ito; ngunit dahil dito ay naparito ako sa oras na ito: Ama, luwalhatiin mo ang iyong pangalan' (Juan 12:27–28). Ito ang mapagpakumbabang pagpapasakop ni Kristo Hesus, at ito ay dapat na nasa atin. Ang mga martir ay nasisiyahang igapos sa tulos, kung sa ganoong paraan ay magagamit sila ng Diyos para sa kanyang kaluwalhatian. 'Ang aking mataimtim na pag-asa... si Kristo... itinaas sa aking katawan, maging sa pamamagitan ng buhay o sa pamamagitan ng kamatayan' (Fil. 1:20).
Kailangan nating harapin ang Diyos upang makamtan natin ang layunin, at ipaubaya ang paraan na makamit ito sa pamamagitan ng kanyang sariling pagpili; upang ang Diyos ay maluwalhati sa ating kalagayan, anuman ito. Kung ibig niya na tayo ay yumaman at busog, upang siya ay maluwalhati sa ating kagandahang-loob; kung ibig niyang tayo ay maging dukha at mababa, upang siya ay maluwalhati sa ating pagtitiis; kung ibig niya tayong malusog, upang siya ay maluwalhati sa ating paggawa; kung iibigin niya tayong may sakit, upang siya ay maluwalhati sa ating sakit; kung ibig niya tayong mabuhay, upang siya ay maluwalhati sa ating mga buhay; kung ibig niya tayong mamatay, upang siya ay maluwalhati sa ating mga kamatayan (Rom. 14:8).
Thomas Manton, Works
Comentarios