Sa lahat ng mga ito, tayo'y lalong higit pang magtatagumpay sa pamamagitan niya na nagmamahal sa atin.
Romans 8:37
Ang mananampalataya ay dapat magtiyaga sa kanyang Kristiyanong landasin hanggang sa katapusan ng kanyang buhay. Nakilala natin ang marami na humayo sa gera, at nagustuhan ang gawain ng isang sundalo para sa isang o dalawang labanan, ngunit sa madaling panahon ay nagsawa, at tumakbo nang pauwi.
Napakaraming nagsasabing sila ay Kristiyano ngunit kakaunti lang ang mga tunay; napakaraming tumatakbo at kakaunti ang nakakakuha; maraming pumunta sa gera laban kay Satanas, at kakaunti ang lumalabas na mga mananakop.
Iilan lang ang may lakas ng loob at determinasyon na harapin ang mga paghihirap na dumarating sa kanila sa daan. Masayang lumabas ang Israel mula sa Ehipto, ngunit nang ang kanilang mga sikmura ay nakaranas ng gutom, handa na silang llisanin ang kanilang mga bandera, at gumawa ng isang kahiya-hiyang pag-urong sa Ehipto.
Maraming naghahayag ng ebanghelyo ang hindi nakatiis kapag dumating ang problema, at sayang! nabigo ang kanilang mga puso. O gaano karami ang humiwalay kay Kristo sa sangang-daan na ito! Huwag mong sabihing mayroon kang maharlikang dugo na dumadaloy sa iyong mga ugat, at ikaw ay ipinanganak ng Diyos, maliban kung mapatunayan mo ang iyong mataas na dugo sa pamamagitan ng kabayanihang espiritung ito; upang mangahas na maging banal sa kabila ng mga tao at mga demonyo.
Napakapangit na tanawin na makita ang isang matapang na makasalanan at isang matatakutin na santo; ang isa ay nagpasiyang maging masama, ang isang Kristiyanong naman ay nag-aalinlangan sa kaniyang banal na landasin; ang makita ang impiyerno na hawak ang tagumpay sa labanan habang ang mga banal ay nagtatago ng kanilang mga bandera dahil sa kahihiyan.
Lakasan ang loob, O kayong mga banal, at magpakalakas; mahalaga ang layunin mo. Ang Diyos na mismo ang kumukuha ng inyong laban. Aakayin ka niya nang may katapangan, at dadalhin ka nang may karangalan. Nabuhay at namatay siya para sa iyo. Sa awa at malambing na pag-ibig sa kanyang mga sundalo, ay walang katulad niya. Ibinuhos ni Kristo ang kanyang dugo bilang balsamo upang pagalingin ang iyong mga sugat.
Hindi niya iniling ang kanyang ulo mula sa panganib: hindi, kahit na ang masamang hangarin ng impiyerno at katarungan ng langit ay lumitaw sa larangan laban sa kanya. Ang ilang araw na labanan ay puputungan ng kaluwalhatian ng langit. Sa madaling salita, mga Kristiyano, ang bawat gawain at tagumpay sa pananampalataya ay nagdudulot ng hiyaw mula sa langit habang nakalalaya ka sa mga kamay ng iyong mga kaaway.
William Gurnall, The Christian in Complete Armour
Comments