top of page
Writer's pictureRP Team

Orthodoxy/Orthopraxy


Ang dalawang salita na ito ay parehong sinisimulan ng "ortho" na ang ibig sabihin sa Greek ay "tama o tuwid". Ang pagkakaroon ng orthodoxy sa konteksto ng Kristiyanismo ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng mga tamang paniniwala o doktrina. Ang orthopraxy naman ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng tamang gawa o pagkilos.


Paano tayo magkakaroon ng orthodoxy? Ito ay sa pamamagitan ng masusing pag-aaral sa mga sinasabi ng salita ng Diyos sa bibliya na natatanging awtoridad sa ating mga paniniwala. Masasabing "orthodox" ang ating mga paniniwala at doktrina kung ito ay naaayon sa salita ng Diyos. Ang anumang aral o pagtuturo na salungat sa salita ng Diyos ay tinatawag naman nating "heresy" na siyang nagsisilbing kabaligtaran ng salitang "orthodoxy".


Parehong mahalaga ang mga salitang "orthodoxy" at "orthopraxy" at parehong mahalaga na sundin ng isang Kristiyano. May mga nagtuturo na magkasalungat ang mga ito. Sa isang banda, may mga nagsasabi na ang kailangan lang ay ang tamang doktrina ngunit hindi nagbubunga sa gawa. Sa kabilang banda naman ay may mga walang pakialam o hindi nagbibigay ng halaga sa doktrina, hangga't kinokonsidera nila na "tama" ang kanilang mga gawa.


Ngunit ang turo ng bibliya: ang tamang paniniwala ay nagbubunga ng tamang gawa. Hindi maaaring magkaroon ng orthopraxy kung walang orthodoxy, sapagkat ang tamang mga doktrina ang dapat na maging gabay sa ating mga gawa. Hindi rin sapat na meron lang tayong orthodoxy ngunit walang orthopraxy. Sa ganitong pagkakataon, ang mga paniniwala ay nanatili lang sa isip ng tao ngunit hindi nagbabago ng kanyang puso.


Mahigpit na magkakabit ang dalawang salitang ito. Walang orthopraxy kung walang orthodoxy. At ang orthodoxy ay dapat nagbubunga ng orthopraxy.

35 views

Recent Posts

See All

1 Comment


JeffChavez 1689
JeffChavez 1689
Nov 14, 2022

Amen. "...ang tamang paniniwala ay nagbubunga ng tamang gawa. Hindi maaaring magkaroon ng orthopraxy kung walang orthodoxy, sapagkat ang tamang mga doktrina ang dapat na maging gabay sa ating mga gawa."

Like
bottom of page