Subalit kapag mananalangin ka, pumasok ka sa iyong silid, isara mo ang pintuan, at manalangin ka sa iyong Amang hindi nakikita. At gagantimpalaan ka ng iyong Ama na nakakakita sa mga lihim na bagay. Mateo 6:6
Ang mga salitang ito ng ating Tagapagligtas ay malinaw, at dapat tanggapin nang literal. Narito at mayroon tayong positibong tuntunin para sa bawat Kristiyano na manalangin nang mag-isa. Ang mga tungkulin sa silid-panalanginan ay nagpapahayag ng katapatan. Mas higit na totoo tayo sa Diyos, ay mas higit din magiging tapat ang ating kaluluwa sa silid-panalanginan.
Saan mo mababasa sa buong Kasulatan, na si Faraon, si Saul, si Judas, si Demas, o ang mga eskriba at mga Fariseo, ay ibinuhos nang lihim ang kanilang mga kaluluwa sa harap ng Panginoon? Ang lihim na panalangin ay hindi ordinaryong lakad o pangangalakal ng mapagkunwari. May malaking dahilan upang matakot kung ang puso ay tama sa Diyos, doon sa mga taong ang debosyon ay ginugugol lamang sa mga tao.
Ang katapatan lamang ang magbibigay-daan sa isang tao na makipagkalakalan sa pribadong panalangin. Kapag tayo ay nananalangin sa publiko, maraming bagay na maaaring sumuhol at pumukaw sa isang makalaman na puso: pagmamataas, walang kabuluhang kaluwalhatian, palakpakan, o isang dakilang pangalan. Ang isang mapagkunwari sa lahat ng kanyang mga tungkulin ay higit na nakikipagkalakalan para sa isang mabuting pangalan kaysa sa isang magandang buhay, at isang mabuting ulat kaysa sa isang mabuting budhi na tulad ng mga manunugtog na mas maingat pa sa pagtotono ng kanilang mga instrumento, kaysa sa pagbuo ng kanilang buhay.
Sa pribadong panalangin, walang ganoong impluwensya. Gagantimpalaan ng Diyos ang kanyang mga tao sa panlabas para sa kanilang katapatan sa lihim. Gagantimpalaan Niya sila dito sa lupa ng ilang bahagi, ngunit paglaon ng panahon ay gantimpalang perpekto. Siya ang tagapagbigay ng gantimpala sa mga nagsisihanap sa kaniya. Sila na naghahasik ng luha ng palihim ay mag-aani sa kagalakan nang hayag. Ang pribadong panalangin ay gagantimpalaan sa harap ng mga tao at mga anghel. Anong hayagang ginantimpalaan ng Diyos si Daniel para sa kaniyang lihim na panalangin! ( Dan. 6:10, 23-28 ). Gagantihan ng Diyos sa dakilang araw ang kanyang mga tao sa harap ng buong mundo, para sa bawat lihim na panalangin, luha, buntong-hininga, at daing mula sa kanyang mga tao. Sa araw na iyon, ipahahayag niya sa mga tao at mga anghel kung gaano kadalas ibinuhos ng kanyang mga tao ang kanilang mga kaluluwa sa harap niya sa mga lihim na lugar, at gagantimpalaan sila nang naaayon. Ah, mga Kristiyano! Kung talagang pinaniniwalaan natin ito, nawa ay matagpuan tayo sa pribadong pananalangin nang mas madalas at mas sagana.
THOMAS BROOKS, Works
Comments