top of page
Writer's pictureRP Team

Word Study: Antinomianism


Ang antinomianism ay tumutukoy sa doktrina na lubos na nagtatanggal sa pagsunod sa mga batas ni Moses sa lumang tupan. Isang biblical na pagtuturo na hindi na tayo kailangan sumunod sa batas ng lumang tipan upang magkaroon ng kaligtasan, ngunit ang mga tagasunod ng antinomianism ay hindi naglalagay ng distinction sa pagsunod para sa kaligtasan o sa pagsunod bilang bunga ng kaligtasan. Kahit na tinupad na ni Kristo ang mga pangangailangan ng lumang tipan, ang mga batas dito ay nananatiling mahalaga upang magbigay ng gabay sa mga Kristiyano kung paano mamuhay ng may katuwiran at kabanalan.


Marami sa mga antinomians ay tinitignan ang pagsunod sa lumang tipan bilang pagiging legalistic. Sa Romans 3 ay binanggit ni Apostol Pablo na may mga nag-aakalang nagtuturo sila ng antinomianism. May mga nagsasabi na dahil sa pagtuturo ni Pablo ng biyaya at sa kawalan ng kapangyarihan ng batas upang magligtas, ay binabalewala na niya ang batas. Ngunit ito ay kinontra ni Pablo. Nananatiling tapat at matuwid ang Panginoon. Ang pagdating sa atin ng biyaya ay hindi nangangahulugan na maaari na tayong magkasala ng magkasala. Ang mga moral commandments sa lumang tipan ay nananatiling mabisa.


Sa kasaysayan ng Iglesia, ang ilan sa mga naging antinomianists ay ang mga gnostics. Hindi sila naniniwala na ang mga bagay na pisikal ay kayang makapagdala ng karumihan sa mga bagay na spiritual. Nakikita nila ang kalayaan sa ilalim ng biyaya bilang kalayaan para magkasala. Sa panahon naman natin ngayon ay may mga taong tumatanggi sa pagiging Panginoon ni Hesus sa kanilang buhay. Gusto nila si Hesus bilang tagapagligtas ngunit hindi bilang Panginoon. Ito ay minsang tinatawag na “easy-believism”. Gayunpaman ang pagsunod sa ating Panginoong Hesukristo bilang Panginoon ng ating buhay ay hindi kaligtasan sa pamamagitan ng gawa. Pinanghahawakan natin na tayo ay iniligtas through grace and faith alone and not by works, ngunit ang mga pagsunod at mga gawa na ito ay mahalagang bunga ng ating kaligtasan, at ang mga taong walang bungang pagsunod o pagbabago sa buhay ay kaduda-duda ang kaligtasan.


Ang mga hypergrace teachers sa panahon natin ngayon ay gumagawa rin ng ganitong pagkakamali. Halimbawa, ang sabi ni Joseph Prince: “The more you try to keep the Law, the more you will stir up sin in your life (base sa 1 Cor 15:56).” Ang problema dito ay ang kawalan ng paghihiwalay sa pagsunod para sa kaligtasan at bilang bunga ng kaligtasan. Dahil wala ang distinctions na ito, lumalabas na nirereject ang kabuuan ng mga batas sa lumang tipan.


Muli, nanatiling mahalaga ang mga moral na batas ng lumang tipan at ang pagsunod sa mga ito bilang bunga ng kaligtasan kaya’t mariin nating itinatanggi ang doktrina ng antinomianism. Ang buhay na iniligtas ay buhay na binago at sumusunod sa mga moral commandements ng Diyos.

36 views

Recent Posts

See All

1 Comment


JeffChavez 1689
JeffChavez 1689
Dec 01, 2022

Amen. It boils down to our understand of the Giver of the law.

Like
bottom of page