top of page
Writer's pictureRP Team

Word Study: Justification, Redemption, Propitiation




Ang sabi sa Romans 3:23-26


for all have sinned and fall short of the glory of God, and are justified by his grace as a gift, through the redemption that is in Christ Jesus, whom God put forward as a propitiation by his blood, to be received by faith. This was to show God's righteousness, because in his divine forbearance he had passed over former sins. It was to show his righteousness at the present time, so that he might be just and the justifier of the one who has faith in Jesus.


Sa passage na ito ay may tatlong katagang ginamit na nakakatulong para ilarawan ang katuwiran ng Diyos sa ating mga makasalanan sa pamamagitan ng gawa ng ating Panginoong Hesukristo. Una dito ay ang word na “justified”. Ang justification ay tumutukoy sa isang legal na deklarasyon na ang isang tao ay matuwid. Ito ay nilalarawan ng isang paghuhukom kung saan, pagkatapos ng masusing pag-aaral sa mga ebidensya, ang hukom ay magbibigay ng kanyang opinyon kung ang nasasakdal ay guilty o not guilty. Dahil sa justification na ginawa para sa atin ng ating Panginoong Hesukristo, ang Kristiyano ay hindi lang pinatawad sa kanyang mga kasalanan kundi dineklara sa paghuhukom bilang mga matuwid.


Ang pangalawang salita na ginamit sa passage sa itaas ay ang salitang “redemption”. Ang salitang ito naman ay tumutukoy sa pagpapalaya ng isang tao mula sa pagkakaalipin. Sa mga unang panahon, may mga alipin na pag-aari ng kanilang mga amo. Ang mga ito ay maaaring palayain ng iba sa pamamagitan ng pagbabayad ng “ransom” upang bilhin ang kanilang kalayaan. Ganito ang ginawa ni Hesukristo para sa atin. Ang kanyang buhay ang nagsilbing “ransom” upang bigyan tayo ng kalayaan o redemption sa ating pagiging mga alipin ng kasalanan.


Ang pangatlong salita naman ay ang “propitiation”. Ito ay tumutukoy naman sa pagbibigay ng kasiyahan sa hinihingi ng poot ng Diyos. Dahil sa ating pagiging makasalanan ang Diyos ay napopoot sa atin, isang dahilan upang ang tao ay kanyang bigyan ng kaparusahan. Ang kanyang katuwiran ay humihingi ng hustisya sa pamamagitan ng kamatayan at kaparusahan sa mga tao, ngunit ito ay binigyan kasiyahan ng ating Panginoong Hesukristo sa krus. Ang kanyang kamatayan ang nagsilbing kasagutan sa paghingi sa hustisya ng Diyos. Siya ang tumanggap ng kamatayan at kaparusahan na dapat ay para sa atin.


Ang tatlong salita na ito ay sagot ni Kristo para mabigyan lunas ang kalagayan ng tao sa kanyang pagiging makasalanan.


Ang tao ay guilty sa kasalanan. Tayo ay binigyan ng Hesus ng justification.

Ang tao ay alipin ng kasalanan. Tayo ay binigyan ni Hesus ng redemption.

Ang tao ay dapat parusahan dahil sa kasalanan. Tayo ay binigya ni Hesus ng propitiation.


Mahalagang tandaan na ang lahat ng ito ay maaari lamang natin tanggapin sa biyaya lamang ng Diyos at sa pamamagitan lamang ng pananampalataya. Hindi nawawala ang katuwiran ng Diyos sa pagpapawalang sala sa mga makasalanan. Ang kasalanan ng tao ay nanatiling seryoso at karumal dumal. Dahil lamang sa biyaya ng Diyos kaya natin maaaring tanggapin ang mga benepisyo ng kamatayan ni Kristo sa krus. Sa lahat ng ito ang Diyos ay nanataling matuwid habang nagtuturing na matuwid sa mga mananampalataya.


36 views

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page